Talamak na ang gumagamit ng ‘social media’ at hindi na mabilang-bilang. Sa paglipas ng panahon tila, naging sikat na ng mga online games ang tunay ng laro at pilit na nagbubulag-bulagan ang mga tao rito.
Kamakailan lang nang taong 2021, naitala sa pag-aaral na 60 milyon ng tao sa buong mundo ay nakakaranas ng online games addiction at mahigit kumulang 24 ang namatay dahil lamang sa sinasabing laro ng mga kabataan. Hindi makakaila na sinisira ng makaila na sinisira ng makabagong laro na ito ang buhay ng mga bata, hindi lamang nito ginagawang tamad ang iba. Kundi nilalason din nito ang ang mga isip ng mga manlalaro dala ng kaakibat nitong konsekwensya.
Hindi naman masama maglaro ng mga larong katulad nito. Isa itong pampalipas oras o isang libangan pangtangal ng stress sa mga manlalaro. Subalit mataas ang tyansang malulong ka rito, kaya’t nararapat lamang na mag-ingat sa paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng mga larong online.
Sabi nga ng iba, dati ginagamit ang teknolohiya upang makatakas sa tunay na mundo. Ngunit ngayon, ang tunay na mundo ang ginagamit upaang makatakas sa teknolohiya. Maraming kabataan ang mas pinipili ang laro kaysa sa reyalidad. Katulad ng 16 taong gulang na Billiard player na si Albert Manas na sa murang edad nagawa nang maging back-to-back champion sa Billiards.
Sa makabagong panahon ay huwag nating hayaan na maparam ang tunay na laro o sports na malaki ang ambag sa ating kalusugan at pag-unlad kapalit ng makasirang online games na patuloy na naghahari sa kagustuhan ng mga kabataan.


