LATHALAIN
Unti-unting nagiging memorya na lamang ang mga panahon kung saan ang tanging kailangan ng guro ay
papel at panulat.
Bilang pag-angkop sa panahong moderno, isang pagbabago sa mundo ng edukasyon ang naganap.
Pumasok na sa mga silid-aralan ang mga makabagong teknolohiya. Sa bawat pagtaas ng bilang na
nakatali sa huli ng bawat taon ito’y naging esensyal na kagamitan sa pagtuturo.
