Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the blocksy-companion domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /home/ext274r1rk6vejvl/public_html/host.depedligaocity.net/wp-includes/functions.php on line 6131

Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the essential-addons-for-elementor-lite domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /home/ext274r1rk6vejvl/public_html/host.depedligaocity.net/wp-includes/functions.php on line 6131

Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the premium-addons-for-elementor domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /home/ext274r1rk6vejvl/public_html/host.depedligaocity.net/wp-includes/functions.php on line 6131

Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the blocksy domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /home/ext274r1rk6vejvl/public_html/host.depedligaocity.net/wp-includes/functions.php on line 6131
ang Buhawi

Isa sa mga napag-alamang dahilan ng Department of Education (DepEd) para sa mababang marka ng Pilipinas sa naganap na Programme for International Student Assessment (PISA) noong taong 2022 ang bullying.

Ayon kay USEC. Michael Poa, may epekto ito sa performance ng isng estudyante dahil ang matinding pangungutya sa bata ang unti-unting nagnanakaw ng kaniyang motibasyon upang mag-aral.

Matagal ng problema sa bansa ang bullying. Ito ang labis na panunukso sng isang indibidwal sa kaniyang kapwa. Madalas ito mangyari sa paaralan, ang lugar kung saan halos lahat ng uri ng bata ay nagtitipon upang matuto ng mga aral na kakailanganin nila saa hinaharap.

Puno ng iba’t ibang indibidwal ang eskuwelahan. Bawat silid sari-sari ang mga ugali at pagkakakilanlan. Bukod-tanging mga karanasan, posibleng positibo’t aangat ang bata. Ngunit maari ring maging negatibong bumabalot sa kalusugang mental ng kabataan.

Ang bullying ay isang akto ng labis na panunukso. Maaring berbal, mga salitang nakasasakit ng kapwa o pisikal na nagdudulot ng mga pasa at hapdi sa katawan. Dalawang bagay na may malaking epekto sa isang batang nag-aaral.

Bulnerable ang mga menor de edad sa bullying, sapagkat sila’y nasa estado ng buhay kung saan naghahanda sila para sa mundo ng mga nakatatanda. Gayon din ang kanilang mga mental na kapasidad, nangangailangan ng maayos na paggabay upang hindi maantala ang paghinog ng mentalidad.

Bilang resulta ng labis na pangungutya, nawawalan ng motibasyon at tiwala sa sarili ang bata. Ang bawat galaw niya’y hinuhusgahan at ang kaniyang paghihirap ay mas pinapalala ng mga masakit na salitang ibinabato ng mga bully.

Naapektuhan nito ang kaniyang academic performance o ang kanilang kakayahan sa pag-aaral. Ang kanilang mental health ay lumalala, dala ng bullying na natatanggap hindi lamang sa personal, bagkus pati sa social media. Sa pagbaba ng kalusugang mental, ang kanilang pokus at pag-iisip ay lumalabo. Hindi na nila nasasabayan ang ritmo ng  karamihan, at napagiiwanan ng kanilang mga kasamahan.

Mahirap takasan ang bangin ng kadilimang dala ng bullying. Kung kaya nakikita ito sa kanilang mga grado at akto sa silid-aralan.

Ang nadiskubreng pagkasangkot ng bullying sa mababang resulta ng PISA ay katibayang ang bullying ay patuloy na umiiral sa bansa at madami ang biktima nito.

Bilang aksyon upang mapataas ang iskor sa susunod na PISA, plano ng pamahalaan na magpatupad ng mga mental health program sa mga paaralan. Kabilang dito ang mga mental health assessment. Gayon din ang pag-ensayo sa mga guro at magulang sa sitwasyon na sila’y may maengkwentrong kaso ng bullying sa mga bata.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *