LUNGSOD IRIGA—Ibinandera ng 16 na taong gulang na si Albert James Manas ang bandera ng Pilipinas matapos nitong paluhurin ang 44 na taong gulang ng Indonesia na si Muhammad Bewi Simanjuntak, 7-2, sa kanilang mala-David at Goliath na pagtatagpo sa 2024 9-Ballpool International Billiard Tournament sa Bali Indo Stadium noong Abril 18, 2024.
Nagpakitang gilas agad si Manas sa pagbubukas ng kanilang ‘race to 7 tournament’ sa pagwalis sa una at ikalawang racks ng laban ng malinis.
Ngunit hindi pumayag si Simanjuntak na madaig ng Pinoy ang kaniyang mahabang karanasan sa laro at ibinida ang nag-uumapoy na jump shots at taktika na pumantay sa laban, 2-all.
Ipinakita ni Manas ang kapangyarihan ng isang Pilipino at tumirada ng mga pamatay-apoy na tusok. Ginawang pagkakataon ni Manas ang magkakabilang palya ng katunggali at sunod-sunod na pinagharian ang pagbira sa mga corner pockets kasabay ng isang golden break na tuluyang pumuno sa kaniyang 5 point deficit.
“Walang pinipiling edad ang pagiging detrminado,” saad ni Manas kaya siya nagtagumpay sa laro.


