LUNGSOD IRIGA—Pinagtuunan ng pansin ng Department of Education (DepEd) ang bullying bilang isa sa mga rason kung bakit mababa ang resulta ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) noong Enero 11.
Ayon kay Usec. Michael Poa, nakakaapekto ang bullying sa performance ng estudyante kung kaya naman ay mas pinapalakas pa ng DepEd ang child protection commitee at hotlines sa mga paaralan.
“Actually, since last year, we already launched a hotline for those students na takot magsumbong sa kanilang mga paaralan. In fact, we already have 120 cases resolved through reporting system,” ani Poa.
Ipinunto rin ni Poa na nais nilang makipagtulungan sa mga guro at magulang ng mga estudyante na tukuyin ang mga ‘red flags’ ng kanilang mga anak kung sila ba’y biktima ng bullying.
“We still don’t know if may gan’to pa so we need to ensure everyone’s health. We want to push the mental health program for the students. Bullying is always anchored to mental health,” giit ni Poa.
Samantala, ibihanahagi niya pa na nakikipagtulungan sila sa Department of Health (DOH) upang siguraduhin ang kalagayang pangkalusugang kaisipan ng mga nabully at nambully.
Ang hotline na maaring makontak ng mga mag-aaral na biktima ng bullying ay nakapost sa iba’t ibang social media accounts ng DepEd.



