Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the blocksy-companion domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /home/ext274r1rk6vejvl/public_html/host.depedligaocity.net/wp-includes/functions.php on line 6131

Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the essential-addons-for-elementor-lite domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /home/ext274r1rk6vejvl/public_html/host.depedligaocity.net/wp-includes/functions.php on line 6131

Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the premium-addons-for-elementor domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /home/ext274r1rk6vejvl/public_html/host.depedligaocity.net/wp-includes/functions.php on line 6131

Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the blocksy domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /home/ext274r1rk6vejvl/public_html/host.depedligaocity.net/wp-includes/functions.php on line 6131

Warning: Cannot modify header information - headers already sent by (output started at /home/ext274r1rk6vejvl/public_html/host.depedligaocity.net/wp-includes/functions.php:6131) in /home/ext274r1rk6vejvl/public_html/host.depedligaocity.net/wp-includes/feed-rss2.php on line 8
ang Buhawi https://host.depedligaocity.net Thu, 09 May 2024 10:46:21 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.9.4 https://host.depedligaocity.net/wp-content/uploads/2024/05/cropped-BUHAWI22-32x32.png ang Buhawi https://host.depedligaocity.net 32 32 Batang Reyes https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/batang-reyes/ https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/batang-reyes/#respond Thu, 09 May 2024 10:04:55 +0000 https://host.depedligaocity.net/?p=913 Sa mahabang panahon nasubaybayan ng marami ang propesiyonal at tinaguriang ‘the magician’ at hari ng billiard na si Efren ‘bata’ Reyes at kamakailan lang ay tila nanumbalik ang kaniyang presensiya sa mga laro ng 16 taong gulang na si Albert James Manas na kahit sa murang edad ay kayang makipagtunggali sa mga matatanda ng tako sa tako.

Nagsimula sa panonood ng mga laro ng billiards haggang siya na mismo ang nakikipagbakbakan,si Manas ay nahumaling sa paglalaro dahil sa impluwensiya ni Reyes sa larangan ng billiards.10 taong gulang palang siya nang unang hawakan niya ang tako at sa patuloy na paglalaro mas lalo siyang nahumaling at gumaling hanggang maging bihasa na siya sa laro.

Sinimulan niya ang pakikipaglaban sa mga patimpalak sa kanilang baryo at tuluyang nakipaglaban sa iba’t ibang lungsod at bansa nang makita ng kaniyang coach ang potensiyal niya sa pakikipaglaban.

Determinasiyon at pagsasanay,yan ang naging bentahan ni Manas sa laro.Walang humpay siyang nagsispag na mas mapagbuti ang kaniyang pakikipagtunggali upang maging katulad ng kaniyang iniidolo na si Reyes.

“kung wala ang impluwensiya niya wala rin ako”,saad ni Manas sa isang panayam.

Sa walang patid na katatagan nakuha ni Manas ang back-to-back champion sa kaniyang mga laban,maging mga matatanda ay hanga sa kaniyang abilidad dahil kahit na sino man ang kaniyang makaharap ay paniguradong mahihirapanh makapuntos.

Patunay ang determinadong bata na walang pinipiling edad ang pagiging kampeon,sa pagtitiis at pagpapalakas magiging posible ang lahat.

]]>
https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/batang-reyes/feed/ 0
Namumunong Litong-lito https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/namumunong-litong-lito/ https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/namumunong-litong-lito/#respond Thu, 09 May 2024 09:51:40 +0000 https://host.depedligaocity.net/?p=886 Dahil sa patuloy napag-lala ng nakukuhang grado ng mga mag-aaral na Pilipino sa PISA o Programme for International Ststudent Assessment sa Pilipinas, napag-usapan ng Department of Education (DepEd) ang mga posibleng naging rason nito. Isa sa mga umaapaw na sanhi ay ang talamak na bulliying sa Pilipinas at sa usapin ng nutrisyon. Nais din ng DepEd na paunlarin ang kalidad ng pagtuturo ng mga guro upang mapataas ang iskor ng Pilipinas sa mga susunod na PISA.

Nakakahiya at nakakatawa ang mga pangyayari sa sector ng ating edukasyon sa mga nakalipas na taon dahil sa pabago-bago nito mga patakaran na kalaunan ay pagsisisihan lamang. Nabanggit ni DepEd Ussec. Michael Poa ang matinding epekto ng bullying sap ag-aaral ng mga batang Pilpino at sa academic performance ng mga ito. Hindi raw masyadong na intindi ang pagresponda sa mga reklamo ng mga batang biktima nito. Nais nilang palakasin ang pagsabi ng mga bata kung inaabuso na sila ng kanilang mga kaklase. Pagdating naman sa pagpapalakas ng Sistema ng pag-aaral, ang MATATAG Curriculum parin ang kanilang sagot. Ngunit napagtanto nila na dapat noon palamang ay naipatupad na ito. Ito ay sa kadahilanang matatagalan pa ang kinakailangan datos upang masabi kung epektibo ba ito. Kung mayroong mamaliin sa mababang grado ng pag-aaral sa Pilipinas ay hindi dapat nasa lista ang ating mga guro. Naisin man ay hindi na nila ito kayang baguhin pa. Ito ay nasa sistema na ng ating edukasyon at palagi na itong nakabaon saatin.

Makikitang hindi sigurado ang ating kagawaran sa edukasyon kung ano ba talaga ang kanilang dapat tuonan ng pansin. Kung ano ba dapat unahing resulbahan bago paman ito lumala. Sa usapin pa lamang kung ano ang mas makakatulong sa pag-unlad ng ating pag-aaral, ay hindi nalilito na sila.

Umaasa nalang tayo na matuwid nila ang kanilang mga pamamaraan. Sana ang mga proseso nila ay malinaw at may patutunguhan. Mas maiging mag-pokus muna sila sa isang problema bago ang mga hindi naman importante sa ngayong panahon. Simulan na nila ang pagbabago sa pinakataas, kaysa paunti-unti itong aayusin sa baba. Hanapin muna ang sakuna kaysa hilumin ang napinsalqa na ng nakalilitong pamumuno.

]]>
https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/namumunong-litong-lito/feed/ 0
MATATAG may Lag? https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/matatag-may-lag/ https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/matatag-may-lag/#respond Thu, 09 May 2024 09:28:07 +0000 https://host.depedligaocity.net/?p=851 Ang eksena ng edukasyon sa Pilipinas ay dumaan sa maraming pagbabago. Una nitong sinunod ang Regular Basic Education Curriculum o mas kilala bilang RBEC. Pagkatapos ng ilang taon, pinalitan ito ng K-12 o ang Kinder hanggang Grade 12 na edukasyon.

Isang bagay na aking napansin sa dalawa ang dami ng mga asignaturang inaaral ng mga bata. Sa palagay ko, hindi ito benepisyal, sapagkat mahirap pagsabay-sabayin ang pag-aaral ng mga paksang halos walang koneksyon sa isa’t isa. Karamihan sa mga bata, nalilimutan lang ang mga aralin pagkatapos ng mga pagsusulit.

Noon pa lamang iyon na ang aking pananaw bilang isang mag-aaral sa ilalim ng K-12. Ayon sa ilang mga guro kong nagtapos sa ilalim ng RBEC, kumpara sa K-12 mas naka tuon sa isang dibisyon ng mga asignatura ang RBEC. Napansin ko rin na sa K-12, imbes na konektado ang mga aralin, malayo ito saisa’t isa at hindi na masyadong nagagamit ang mga natutunan sa naunang mga lesson.

Ngayong lumabas na ang resulta ng Programme for International Students Assesment (PISA) 2022, isa ang Pilipinas sa mga bansang nasa ibaba ng ranggo. Mababa ang nakuhang marka ng bansa sa agham, matematika, at ingles. Isang repleksyon ng mababang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Sabi nga ni Usec. Michael Poa, hindi kailanman ito kasalanan ng kabataan, kundi ang sistema ang dapat sisihin. Dahil ang mga estudyante ay sumasayaw sa tono ng mga nasa taas. Kung anong ibinibigay ng gobyerno, siya ring katumbas ng magiging bunga sa bata.

Nalantad na sa mata ng Kagawaran ng Edukasyon ang repleksyon ng kanilang mga pagkukulang sa anyo ng PISA 2022. Kung kaya’t bilang kibo, nais nilang magpatupad ng bagong curriculum. Ito ang MATATAG curriculum na sinimulan ngayong taon 2024. Ito ang plano ng bagong administrasyon para mapataas ang iskor ng Pilipinas sa PISA.

Marahil nahuli ito ng kaunti. Sapagkat marami na ang kabataang nakatanggap ng hindi kalidad na edukasyon at nagsikap na pakinabangan ito upang makapagtapos. Hindi dapat ang estudyante ang palaging umaangkop, kinakailangang ibigay ng gobyerno ang kalidad ng edukasyon na angkop sa eskpektason nila para sa bagong henerasyon. Walang matalinong mamamayan kung hindi sila bibigyan ng pangmatalinong kaalaman.

]]>
https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/matatag-may-lag/feed/ 0
Telepono Kontra Bullying https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/telepono-kontra-bullying/ https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/telepono-kontra-bullying/#respond Thu, 09 May 2024 09:06:02 +0000 https://host.depedligaocity.net/?p=796 Base sa mababang resulta ng Pilipinas sa Programme for International Student Assesment (PISA) 2022, isa ang bullying sa mga sanhi. Isang konseptong matagal nang umiiral sa bansa.

Ako ay nalulungkot sa tuwing nakikita ko ang manipestasyon ng lubos na panunukso sa isang bata. Lalo na ngayong nakikita na ito sa malaking bilang ng kabataan. May posibilidad na karamihan sa mga batang kumuha ng PISA ay nakaranas o patuloy na nakararanas ng labis na panunukso.

Nakita ata ng pamahalaan ang mga resulta at nagpasyang sugpuin ang isa sa mga ugat upang mapagbuti ang edukasyon ng kabataan sa Pilipinas. Kanilang binuo ang mga hotline para sa bullying.

Ang mga hotline na ito ang lugar kung saan maaring magsumbong ang mga biktima ng bullying nang sila’y makakuha ng tulong mula sa mga nakatatanda. Hindi na mag-iisa, sapagkat may tenga ng makikinig sa kanilang saklolo.

Nang marinig kong may tinatayang 120 na mga kaso ng bullying ang naresolba sa pamamagitan ng sistemang ito. Maliit na bilang ito kumpara sa populasyon ng Pilipinas at sa total na bilang ng mga nakararanas ng bullying sa buong bansa. Ngunit isang malaking hakbang para sa pagsasakatotohanan ng bansang wala ng batang nabibiktima ng bullying.

Hindi ko akalahin na telepono ang isa sa mga sandata laban sa lubos na panunukso.

]]>
https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/telepono-kontra-bullying/feed/ 0
https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/792/ https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/792/#respond Thu, 09 May 2024 09:04:41 +0000 https://host.depedligaocity.net/?p=792

Ang mundo ng edukasyon at teknolohiya ay magkayakap na sa pagbibigay aral sa kabataan. Kailangan ng guro ang teknolohiya, at ang teknolohiya ay ginawa para sa mga guro ng modernong mundo. Narito ang mga pagbabagong may koneksyon sa teknolohiya na naranasan ng mga guro.

Online Classes

Dahil sa pandemya, napilitan ang mga mag-aaral at mga titser na lumipat sa digital na silid-aralan. Hindi na bagong konsepto ang mga online classes, sapagkat madalas na itong ginagamit sa ilang paaralan bago pa man sumapit ang COVID-19 outbreak. Umiral lamang ito sa mayoridad ng mga paaralan bilang solusyon sa suliranin ng pag-antala sa pag-aaral ng bata.

Maraming aplikasyon o mga software ang ginamit upang maging possible ang klase online. Isa sa mga tanyag na instrumento ang zoom at google meet, mga platamorma upang makipag-usap sa pamamagitan ng video call ang guro sa kaniyang mga estudyante. Google classroom na naging daan upang maibigay ng guro ang mga gawain sa porma ng mga module. Dito na rin ipinapasa ng mga mag-aaral ang kanilang mga nagawang module.

Modular Learning

Sa halip na buong aklat ang ibibigay sa mga bata, ang mga aralin ay nasa porma ng mga module. Ito’y naglalaman ng isang aralin at nakatuon sa isang paksa ng lesson. Mas maikli ito kumpara sa libro at naglalaman na ng paliwanag ng aralin, kasama na ang mga ehersisyo nang mabihasa sila dito.

Maari itong ibigay sa pisikal na anyo o digital na kopya. Ang ilang estudyante na pinili ang modular learning at walang maayos na koneksyon sa internet ang nakatanggap ng mga pisikal na anyo. Gumagamit ng mga printer upang mailimbag ang libo-libong pisikal na module sa buong bansa.

Class Group Chat

Komunikasyon ay mahalaga sa mga panahong hindi nagkikita ang guro at estudyante. Kung kaya’t halos lahat ng asignatura ay may sariling group chat kasama ang lahat ng mag-aaral at ang guro.

Dito ipinapadala ng mga titser ang kanilang mga abiso at paalala, maging ang mga gawain at kopya ng aralin sa mga sitwasyon na hindi sila makakapasok sa klase. Nakapagtatanong din ang mga bata ng kanilang mga katanungan at hinaing sa mga group chat kasama ang kanilang guro.

Binago ng pandemya ang larangan ng edukasyon. Esensyal na ang mga gadyet tulad ng mga cellphone at laptop. Hindi lang para sa mga guro, ngunit maging sa mga estudyante.

]]>
https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/792/feed/ 0
https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/790/ https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/790/#respond Thu, 09 May 2024 09:03:41 +0000 https://host.depedligaocity.net/?p=790

Unti-unting nagiging memorya na lamang ang mga panahon kung saan ang tanging kailangan ng guro ay papel at panulat.

Bilang pag-angkop sa panahong moderno, isang pagbabago sa mundo ng edukasyon ang naganap. Pumasok na sa mga silid-aralan ang mga makabagong teknolohiya. Sa bawat pagtaas ng bilang na nakatali sa huli ng bawat taon ito’y naging esensyal na kagamitan sa pagtuturo.

Kung noon ang tanging modalidad at kagamitan upang maturuan ang mga estudyante ay ang personal na mga klase at aklat. Ngayon, posible na ang pagdala ng mga aralin sa paaralan sa tahanan. Ito’y dahil sa presesnya ng teknolohiya.

Nakaranas ng halos dalawang taon na lockdown ang Pilipinas. Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, nahinto ang nakasanayang pagpasok ng mga guro at mag-aaral sa silid ng kanilang mga eskuwelahan. Upang magpatuloy ang edukasyon sa kabila ng balakid, nagkaroon ng online-classes at modular learning kung saan ipinagpatuloy ang mga talakayan sa pamamagitan ng mga gadyet at internet. Dinala ang mga aktibidad sa paaralan pauwi sa bahay gamit ang mga module, na maaring pisikal o digital.

Sa mga pagbabagong bumigla sa lahat, isa ang mga guro sa mga lubhang naapektuhan sa pagdating ng teknolohiya. Lalo na ang mga nakatatanda ng guro. Kung kaya’t isa sa mga paghahandang nais ipatupad ng gobyerno ang pagbibigay edukasyon sa mga guro patungkol sa makabagong teknolohiya. “We will train all our teachers,” pahayag ni Usec. Michael Poa sa isang press briefing ng Presidential Communications Office kasama ang Department of Education. Ito’y kanilang hakbang sa pagpapagbuti ng kalidad ng edukasyon sa bansa nang mapataas ang iskor ng Pilipinas sa susunod na PISA.

]]>
https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/790/feed/ 0
Online Games: Panakip Butas sa Tunay na Laro https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/online-games-panakip-butas-sa-tunay-na-laro/ https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/online-games-panakip-butas-sa-tunay-na-laro/#respond Thu, 09 May 2024 07:46:23 +0000 https://host.depedligaocity.net/?p=755 Talamak na ang gumagamit ng ‘social media’  at hindi na mabilang-bilang. Sa paglipas ng panahon tila, naging sikat na ng mga online games ang tunay ng laro at pilit na nagbubulag-bulagan ang mga tao rito.

Kamakailan lang nang taong 2021, naitala sa pag-aaral na 60 milyon ng tao sa buong mundo ay nakakaranas ng online games addiction at mahigit kumulang 24 ang namatay dahil lamang sa sinasabing laro ng mga kabataan. Hindi makakaila na sinisira ng makaila na sinisira ng makabagong laro na ito ang buhay ng mga bata, hindi lamang nito ginagawang tamad ang iba. Kundi nilalason din nito ang ang mga isip ng mga manlalaro dala ng kaakibat nitong konsekwensya.

Hindi naman masama maglaro ng mga larong katulad nito. Isa itong pampalipas oras o isang libangan pangtangal ng stress sa mga manlalaro. Subalit mataas ang tyansang malulong ka rito, kaya’t nararapat lamang na mag-ingat sa paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng mga larong online.

Sabi nga ng iba, dati ginagamit ang teknolohiya  upang makatakas sa tunay na mundo. Ngunit ngayon, ang tunay na mundo ang ginagamit upaang makatakas sa teknolohiya. Maraming kabataan ang mas pinipili ang laro kaysa sa reyalidad. Katulad ng 16 taong gulang na Billiard player na si Albert Manas na sa murang edad nagawa nang maging back-to-back champion sa Billiards.

Sa makabagong panahon ay huwag nating hayaan na maparam ang tunay na laro o sports na malaki ang ambag sa ating kalusugan at pag-unlad kapalit ng makasirang online games na patuloy na naghahari sa kagustuhan ng mga kabataan.

]]>
https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/online-games-panakip-butas-sa-tunay-na-laro/feed/ 0
Manas pinayuko si Simanjuntak https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/manas-pinayuko-si-simanjuntak/ https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/manas-pinayuko-si-simanjuntak/#respond Thu, 09 May 2024 07:32:04 +0000 https://host.depedligaocity.net/?p=736 LUNGSOD IRIGA—Ibinandera ng 16 na taong gulang na si Albert James Manas ang bandera ng Pilipinas matapos nitong paluhurin ang 44 na taong gulang ng Indonesia na si Muhammad Bewi Simanjuntak, 7-2, sa kanilang mala-David at Goliath na pagtatagpo sa 2024 9-Ballpool International Billiard Tournament sa Bali Indo Stadium noong Abril 18, 2024.

Nagpakitang gilas agad si Manas sa pagbubukas ng kanilang ‘race to 7 tournament’ sa pagwalis sa una at ikalawang racks ng laban ng malinis.

Ngunit hindi pumayag si Simanjuntak na madaig ng Pinoy ang kaniyang mahabang karanasan sa laro at ibinida ang nag-uumapoy na jump shots at taktika na pumantay sa laban, 2-all.

Ipinakita ni Manas ang kapangyarihan ng isang Pilipino at tumirada ng mga pamatay-apoy na tusok. Ginawang pagkakataon ni Manas ang magkakabilang palya ng katunggali at sunod-sunod na pinagharian ang pagbira sa mga corner pockets kasabay ng isang golden break na tuluyang pumuno sa kaniyang 5 point deficit.

“Walang pinipiling edad ang pagiging detrminado,” saad ni Manas kaya siya nagtagumpay sa laro.

]]>
https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/manas-pinayuko-si-simanjuntak/feed/ 0
Poa: Bullying is always anchored to mental health https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/714/ https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/714/#respond Thu, 09 May 2024 06:45:58 +0000 https://host.depedligaocity.net/?p=714

LUNGSOD IRIGA—Pinagtuunan ng pansin ng Department of Education (DepEd) ang bullying bilang isa sa mga rason kung bakit mababa ang resulta ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) noong Enero 11.

Ayon kay Usec. Michael Poa, nakakaapekto ang bullying sa performance ng estudyante  kung kaya naman ay mas pinapalakas pa ng DepEd ang child protection commitee at hotlines sa mga paaralan.

“Actually, since last year, we already launched a hotline for those students na takot magsumbong sa kanilang mga paaralan. In fact, we already have 120 cases resolved through reporting system,” ani Poa.

Ipinunto rin ni Poa na nais nilang makipagtulungan sa mga guro at magulang ng mga estudyante na tukuyin ang mga ‘red flags’ ng kanilang mga anak kung sila ba’y biktima ng bullying.

“We still don’t know if may gan’to pa so we need to ensure everyone’s health. We want to push the mental health program for the students. Bullying is always anchored to mental health,” giit ni Poa.

Samantala, ibihanahagi niya pa na nakikipagtulungan sila sa Department of Health (DOH) upang siguraduhin ang kalagayang pangkalusugang kaisipan ng mga nabully at nambully.

Ang hotline na maaring makontak ng mga mag-aaral na biktima ng bullying ay nakapost sa iba’t ibang social media accounts ng DepEd.

]]>
https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/714/feed/ 0
Nutrisyon, kalidad ng edukasyon kontra mababang PISA https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/nutrisyon-kalidad-ng-edukasyon-kontra-mababang-pisa/ https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/nutrisyon-kalidad-ng-edukasyon-kontra-mababang-pisa/#respond Thu, 09 May 2024 06:41:57 +0000 https://host.depedligaocity.net/?p=702

LUNGSOD IRIGA—Bilang tugon sa mababang resulta na nakuha ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA), bibigyang pansin ng bansa ang aspeto ng nutrisyon at kalidad ng pagtuturo para sa mga mag-aaral noong Enero 11.

Ayon kay Usec. Michael Poa, isa sa nakikita nilang dahilan kung bakit mababa ang puntos na nakukuha ng mga mag-aaral sa PISA ay dahil sa kakulangan nila sa nutrisyong natatanggap.

“With the help from Department of Social Welfare and Development (DSWD), may continuity ang Department of Education (DepEd) sa mga feeding programs.” ani Poa.

Tinatayang mula 5.6 bilyong piso na badyet noong 2023 ay tumaas sa 11.7 bilyon ngayong taon para sa feeding programs na kung dati’y 120 araw lamang kada taunang panuruan ay gagawin nang araw-araw.

Sa kabilang banda, nais ring tutukan ng DepEd ang pagsasanay sa mga guro sa makabagong panahon kung saan laganap na ang paggamit ng Alternative Intelligence (AI) at teknolohiya.

“It’s never the teacher’s fault, it’s really the system. We want to improve the preservice and in-service training sa mga teachers since marami tayong mga guro na certified, may specialization, or master’s degree kaso kulang ng training,” giit pa ni Poa.

Inihayag niya rin na sinisimulan nilang sanayin ang mga guro na aralin ang AI at sumasali na rin sila sa mga orientation programs sa mga unibersidad.

]]>
https://host.depedligaocity.net/index.php/2024/05/09/nutrisyon-kalidad-ng-edukasyon-kontra-mababang-pisa/feed/ 0